Inanunsyo ng Japan na ang higit kumulang na 200 manufacturing companies nila na nakabase sa china ay nais nilang ilipat sa Pilipinas simula year 2017. Magandang oportunidad para sa mga kababayan natin doon dahil magkakaroon ng malawakang demand ng manggagawa para dito para sa susunod na 5 taon.
Ayon sa Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines Inc.na pinangungunahan ni Nobuo Fujii, may ilan sa kanila na nagumpisa nang maglipatan sa Pilipinas simula pa last year dahil ayon sa kanila ang pilipinas raw ay maituturing na “Competitive Country”..
Sabi pa ni Mr. Fujii, karamihan sa mga kumpanyang inilipat sa pilipinas mula china ay partikular sa trabahong may kaugnayan sa information technology (IT) habang ang ilan naman ay konektado sa automotive and parts manufacturing tulad na lamang ng bicycle maker na si Shimano na kakaumpisa lamang maginvest ng 1.2 Billion pesos worth of facility sa Batangas.Sunod ang Japanese watchmaker na Citizen na isinara na raw ang kumpanya sa china at nagdesisyon nang ilipat sa pilipinas ang pagawaan pati na rin ang Mitsubishi Power Industries na susunod na ring ma-relocate sa pilipinas ngunit wala pang tiyak na petsa kung kelan uumpisahan,
Dagdag pa ni fujii, ilan sa mga firms ay interesadong magtayo ng kanilang operations facility sa lugar ng Calabarzon ( Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon)
Aniya, “Ang Philippine investment program at tax incentives ay ibinabahagi sa mga foreign investors partikular na ang mga naofferan ng PEZA (Philippine Economic Zone Authority) at BOI ( Board of Investments) kung kaya’t marami umanong mga Japanese firms ang interesadong magestablish ng kanilang business sa bansang pilipinas.”
Dahil na rin umano sa papataas na singil ng bansang china para sa mga sahod ng manggagawa ang isa sa mga dahilan kung bakit napagiisipang ilipat na lang ng karamihan ang kanilang mga business sa ating bansa, dagdag pang ang mga pilipino ay likas na marunong sa wikang english, masipag, may mabuting mentalidad at de kalidad kung magtrabaho kung kaya’t napagdesisyunan ng ilan na ilipat na lamang ang kanilang mga negosyo sa pilipinas.
Ilan pa sa mga rason kung bakit nadismaya ang ilang Japanese investors sa china ay dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa nila partikular na ang: Island grabbing and illegal reclaiming of territories sa South China Sea. Dahil pokus umano ang china sa pagpapalawak ng teritoryo kung kaya’t isa itong factor kung mabit bumabagal ang ekonomiya ng kanilang bansa at pabagsak na currency. Itong 3 dahilan ang palaisipan sa mga Japanese firms kung itutuloy pa ba nila ang operations sa bansang china. Sa kabilang banda ayon sa kanila, ang Philippine Economy ay kayang i-maintain ang stability basta masugpo lamang at masolusyunan ang mga pangunahing problema ngunit pagdating sa negosyo maganda ang lokasyon ng pilipinas at napakayaman ng bansa natin kung kaya’t kailangan nating maghanda para sa mga susunod na taong pagbubukas ng napakaraming job opportunities at migration ng operation facilities ng mga Business investors sa ating bansa.
Post a Comment